ANO ANG PANANAW NG MGA MUSLIM KAY HESUS ?
ang mga muslim ay iginagalang at nagbibigay pitagan kay hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan). hinihintay din nila ang kanyang pagbabalik. siya ay ibinibilang na isa sa mga bantog na sugo ng allah. hindi sapat sa isang muslim na tawagin lamang siya sa kanyang pangalang hesus, bagkus dinaragdagan ito ng mga katagang 'sumakanya nawa ang kapayapaan' (bilang pagmamahal at paggalang sa kanya). ang banal na qur' an ay nagpapatotoo sa pagsilang sa kanya ng isang birhen (isang kabanata sa banal na qur' an ay may pamagat na 'maria' ). si maria ay itinuturing na pinakadalisay na babae sa lahat ng mga kababaihan. ang banal na qur'an ay nagsasabi tungkol sa pagbibigay ng magandang balita: at [banggitin mo muhammad] nang sabihin ng mga anghel: "o maria. katotohanan, ikaw ay pinili ni allah, ikaw ay ginawang dalisay at ikaw ay pinili ng higit sa mga kababaihan sa lahat ng mga nilikha. o maria, ikaw ay maging ...