ANG EBOLUSYON NG ISLAM SA PILIPINAS

 

ANG EBOLUSYON NG ISLAM SA PILIPINAS


 

kung paano dumating ang islam sa pilipinas ay isang masalimuot at mahabang usapin subalit isang katotohanang hindi maitatanggi na islam ang unang nakilalang relihiyon ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga kastila. sa dahilang mga muslim ay inatasan ng diyos at ni propeta muhammad na ipalaganap ang kanilang pananampalataya, magkagayon ay nagkaroon ng patuloy na malawakang panghihikayat at panawagan sa tao tungo sa islam. nagsimula sa makkah, na matatagpuan ngayon sa saudi arabia, patungo sa mga karatig na bansang arabo, hanggang sa silangang europa, hilagang africa, espanya at gitnang asya. ang paglaganap nito ay tuloy-tuloy hanggang sa maabot nito ang bahaging sahara ng africa, timog asya at pagkatapos ay ang mindanao at sulu.

        ang ating bansa ay matatagpuan sa timog-silangang asya na kung saan ang kalapit-bansa nito ay mga bansang muslim. ayon sa mga mananalaysay; ang lahi ng mga pilipino ay nag-mula sa lahing indo-malay na ang ibig sabihin ay lahing nagmula sa mga indonesia at malaysian. isang malaking palatandaan na ang lahi ng ating mga ninuno ay lahi ng mga muslim.

        likas sa ating mga ninuno ang kumilala at sumamba sa diyos bagaman sila ay nabibilang sa mga tinatawag na "animist" o mga taong sumasamba sa halos lahat ng mga bagay na nilikha. kanilang sinasamba ang bato, araw, buwan, bituin, apoy, kulog at kidlat, at marami pang iba. walang anumang naitala na sila ay dating sumasamba sa tanging nag-iisang diyos. ang kanilang tinatawagan ay ang mga diwata at anito.

        mula sa pagpapala ng Allah(swt) nakarating ang islam sa pilipinas sa pamamagitan ng mga mangangalakal na mga muslim na nagmula sa karatig-bansa na katulad ng peninsula ng malaysia, indonesia at borneo. ang unang mga naging muslim sa mindanao at sulu ay yaong mga naninirahan malapit sa pook ng kalakalan. ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga mananalaysay ay naniniwala na ang mga unang misyonaryong muslim ay mga mangangalakal.


sa sulu, isang mangangalakal na arabong muslim na kilala sa tawag na tuan mashaika ang sinasabing nagtatag ng kauna-unahang pamayanang muslim. napangasawa niya ang isang prin-sesang katutubo roon at pinalaki ang kanyang mga anak bilang mga muslim. noong 1380, isang misyonaryong muslim na arabo naman ang dumating at nakilala sa pangalang karim ul makhdum na kalaunan ay mapitagang tinawanag na sharif awliya. inihayag niya sa mga tao ang islam at inanyayahan silang tanggapin ito. ipinakita niya ang kagandahan ng islam sa pamamagitan ng mahusay na pakikitungo at magandang pag-uugali. di nagtagal ay marami sa mga tao ang tumanggap nito hanggang sa naitatag ang kauna-unahang masjid(dasalan) sa tubig-indangan sa isla ng simumul, tawi-tawi.

        noong taong 1390, si rajah baginda ay dumating kasama ang mga orankaya o mayayamang tao na nagmula sa sumatra. itinuloy niya ang sinimulang gawain ni sharif makhdum at naitatag niya ang islamikong pamamahala sa buansa(na ngayon ay jolo). sa kalagitnaan ng paparating na dantaon ay unti-unti itong umuunlad hanggang sa ang sultanate ng sulu ay ganap nang naitaguyod.

1 SWT(subhanahu wa ta'ala)- ito ay isang salita mula sa wikang arabik na binabanggit tuwing ang pangalan ng allah ay nababanggit. ito ay isang paggalang, pagluwalhati o papuri sa kanya na ang kahulugan ay luwalhati sa allah, ang kataas-taasan, ang dakila.

        isang arabo na taga-timog ng arabia ang sinasabing nagmula sa lahi ni propeta muhammad, siya ay si syed abu bakr, na isang hashimi. dumating siya sa jolo noong taong 1450 at napangasawa niya ang anak ni rajah baginda na si prinsesa paramisuli. itinatag niya ang sultanate ng sulu at siya ang kauna-unahang nahirang na sultan ng sulu.

         sa dakong mindanao, si sharif muhammad kabungsuwan, na isang taong nagsasabi na siya ay nagmula rin sa lahi ni propeta muhammad, isang hashimi. masugid din siya sa pagpapalaganap ng islam sa kapuluan, siya ay unang dumaong sa malabang(ngayon ay matatagpuan sa lanao del sur) noong 1515 at nagtungo sa cotabato kung saan niya matatag na itinanim ang pananampalataya. kinalaunan, napangasawa niya ang katutubong prinsesa na si tunina na nagbunga ng pagkakatatag ng sultanate ng maguindanao at buayan.

        samantala, ang mga pinunong muslim naman sa kaharian ng maynila ay nagtungo sa borneo at nakipagkasundo sa sultan. sila ay sina rajah matanda, rajah sulayman, at rajah lakandula. napangasawa ni rajah sulayman ang anak ng babae ng sultan, gayundin napangasawa naman ng pamangkin ni rajah lakandula ang pinsan nito. pinamunuan ni rajah matanda ang aspektong pampulitika at si rajah sulayman naman ang naging pinuno ng hukbo samantalang si rajah lakandula naman ang naging hari ng tondo.

        sa paglipas ng maraming mga taon, bunga ng magandang ugnayan sa pagitan ng mga pinuno at mamamayang muslim sa mga karatig na bansang muslim lalo na sa borneo, dumating sa bansang pilipinas ang sampung datu. ang mga datung ito ay sina datu puti, datu sumakwel, datu sikatuna, datu paiburong, datu paduhinog, datu lubay, datu dumangsol, datu dumalogdog at datu balensuela. nanirahan at pinamunuan ng mga datung ito ang bahagi ng luzon at bisayas.

        si datu puti ang itinalagang pinuno ng sampung datu dahil sa husay niya sa paglalakbay-dagat. sila ay dumaong sa san joaquin, iloilo(na noong panahong iyon ay tinatawanag na siwaragan). nabili nila ang mababang bahagi ng iloilo kay marikudo na siyang pinuno ng mga itas(pygmies) sa pook na yaon. itinaguyod nila ang islam at nagtatag sila ng isang pamayanang muslim.

        naglayag naman papuntang norte sina datu puti, datu dumangsil at datu balensula hanggang sa sila ay dumaongsa batangas kung saan sila ay nagtatag ng isang komunidad. naglayag pabalik ng borneo si datu puti at kanyang binagtas ang mindoro at palawan. nang siya ay nakabalik na sa borneo, isinalaysay niya ang kanilang mga naging karanasan at ang magandang pakikitungo sa kanila ng mga tao doon. dahil dito, marami pang mga taga-borneo ang nahikayat at nagpasyang magpunta ng pilipinas.


Comments

Popular posts from this blog

EMPLOYMENT CONTRACT FOR OVERSEAS FILIPINO WORKERS IN SAUDI ARABIA

ANG PANAHON NG MGA KASTILA

ANO ANG PANANAW NG MGA MUSLIM KAY HESUS ?