ANG PANAHON NG MGA KASTILA
sa loob ng mahigit-kumulang dalawandaang taon hanggang sa pagpasok ng ikalabinlimang siglo(15th century), ang batas ng islam ang siyang pinatupad sa kapuluan ng pilipinas. marso 16, 1521 nang dumating ang mga dayuhang mananakop na kastila sa ating bansa sa pamumuno ni magellan. pinangalanan nila ang ating bansa na pilipinas bilang isang parangal sa hari ng espanya na si haring philip II. sa pananakop na ito, ang pilipinas ay naging bahagi ng emperyong espanya. bilang isang tanda ng kanilang pagsakop sa bansang pilipinas, na may layong ipalaganap ang kristyanismo, kanilang inilagay ang kauna-unahang krus sa isla ng limasawa, leyte. kaya naman malinaw na makikita sa kasaysayan ng pilipinas na ang isang dati nang malayang bansa ay pinilit ng mga kastila na palitan ang relihiyong islam sa pamamagitan ng dulo ng espada.
nguni't hindi ganoon kadali upang lubos nilang masakop ang pilipinas. ang ating mga ninunong muslim ay buong tapang na ipinagtanggol ito sa kanila. nagapi ang mga muslim dahil sa hina ng kanilang mga sandata katulad ng kris, tabak at palaso laban sa mga baril at kanyon ng mga mananakop na dayuhang kastila.
maliban sa kapuluan ng mindanao, halos lahat ng bahagi ng pilipinas ay sumuko sa kaharian ng espanya. sa pangyayaring ito sa Gat lapu lapu (katiladufu) ay naitala sa kasaysayan bilang unang bayaning nagtanggol sa kalayaan ng pilipinas at ang bayani na siyang pumaslang kay Ferdinand Magellan sa dalampasigan ng Mactan, Cebu.
malinaw na hangad ng mga dayuhang kastila na mapalawak ang sakop ng espanya at mapalaganap ang relihiyong kristiyanismo. nagpatuloy at lalong umigting ang pananakop na ito na naging dahilan upang mag-lunsad ang mga kastila ng malaking pakikidigma sa mga muslim sa maynila noong hunyo 3, 1571. sa may daungan ng maynila (port area) ay makikita ang intramuros. ito ang nagsisilbing muog ng mga muslim na pinamumunuan nina rajah lakandula, rajah soliman at rajah matanda.
nagtanggol ang mga muslim doon hanggang sa huling patak ng kanilang dugo. marami ang nangamatay sa kanila dahil malakas ang gamit pandigma ng mga kastila, mga kanyon at baril. ang mga muslim ay napilitang umurong patungong rizal na siyang kilala sa ngayon bilang morong rizal, at yaong mga umatras naman patungong gilid ng mga ilog ay tinatawag sa ngayon na tagalog (taga-ilog). ang mga muslim sa bayan ng rizal ay patuloy na nakipaglaban sa mga kastila at ang lugar na iyon ay nakilala sa ngayon n binangonan rizal.
nagtayo ang mga kastila ng punong himpilan sa maynila at sila ay nagsimula ring maglagay ng mga sandatahang hukbo at garison na may mga misyonaryong katoliko, dahilan upang marami sa mga katutubong pilipino ay maging kristiyano. ang pinakatanyag sa kanila ay sa mga katutubo ng zamboanga at cotabato.
dahil dito, kumilos ang mga muslim at patuloy nakipaglaban sa pamahalaan ng mga kastila. nagsimula nilang lusubin ang mga himpilang ito ang kaigtingan nito ay noong panahon 1754 sa pamumuno ni datu bantilan.
ang labanan sa pagitan ng mga muslim at kastila ay umabot ng ilang daantaon. ang mga magkakarugtong na kuta sa mga baybaying dagat, sandatahang hukbo at garison na nilagay ng mga kastila ay pumigil sa paglusob ng mga muslim. ang pagdating ng mga malalakas na barkong pandigma ay nagtaboy at gumapi sa mga bangkang vinta ng mga muslim. umabot din ng dalawang siglo upang ang mga kastila ay makapaglunsad ng malawakang pagsakop sa mindanao. ang sultanate ng sulu, ang tanging natitirang nakatayo at matatag na sultanate. subali't di nagtagal ay bumagsak dahil sa pag-atake ng puwersang panlupa at pandagat ng mga kastila. bagaman bumagsak ang nahuhuling sultanate na ito sa sulu, gayundin ang ilang bahagi ng mindanao, ito ay hindi nagtagal sa dahilang ang mga bahaging ito ay hindi ganap na pumailalim sa kamay at pamamahala ng mga kastila. ang kanilang pamamahala ay hanggang sa mga himpilan lamang ng kanilang hukbong sandatahan, garison, at ilang mga nasakop na sibilyan sa zamboanga at cotabato. tuluyan na nilang nilisan ang mga ito bunga ng kanilang pagkatalo sa pakikipagdigma s mga amerikano.
nakalasap man ng pansamantalang pagkagapi at panghihina ng puwersa ang mga muslim sa pilipinas - sila ay patuloy pa rin na dumarami at lumalakas, naninindigan noon hanggang sa ngayon.
ang islam ay nagsimula sa di pangkaraniwang pamamaraan. si propeta muhammad daw ay nagsabi:
"nagsimula ang islam sa kakaibang pamamaraan, kaya't ito ay magbabalik din sa kakaibang pamamaraan, kaya't magbigay ng mabuting balita sa mga dayuhan."
At ang Allah ay nagwika:
siya [Allah] ang nagpadala sa kanyang sugo [muhammad] ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang ito ay gawing matagumpay nang higit sa lahat ng relihiyon bagaman[ito] kinamumuhian ng mga nagtatambal.
sa mga nagdaang panahon, bagaman maraming mga maling konsepto ang lagi nang inaakibat sa islam at mga muslim na naging sanhi ng maling pag-unawa sa relihiyong ito, marami at patuloy pa rin ang mga tao sa pagtanggap sa pananampalatayang islam. isang malinaw na katotohanan upang ang mga suriang-istadistika sa larangan ng relihiyon ay magpasya na ang islam ang siyang pinakamabilis o nangungunang relihiyon sa kasalukuyan. sa humigit-kumulang na 85 milyong mamamayang pilipino, mahigit ikalimang bahagi nito ay mga muslim. patuloy ang pagtanggap ng mga pilipino sa islam at karamihan sa kanila ay mga manggagawa sa saudi arabia at middle east. gayundin ay marami din namang mangila-ngilan na tumatanggap nito sa amerika bagaman mayroon din namang mangilan-ngilan na tumatanggap nito sa asya, europa atbp. sa iba't ibang dako naman ng pilipinas ay may malaking bilang din ng mga pilipino ang kusang-loob na nagsisipagtanggap ng islam.
ANO ANG PANINIWALA NG MGA MUSLIM ?
ang mga muslim ay naniniwala sa iisa, natatangi at di-matutularang Allah (dakilang lumikha); sa mga anghel na kanyang nilikha; sa mga propeta na kung kanino ipinahayag ang kanyang kapahayagan para sa tao; sa araw ng paghuhukom at sa pananagutan ng bawa't isa sa kanyang nagawa; sa ganap na paghahari na Allah sa kahihinatnan ng sangkatauhan; at sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
ang mga muslim ay naniniwala sa mga propeta magmula kay adam. kabilang na rito sina Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, Joseph, Job, Moses, Aaron, David, Solomon, Elias, Jonah, Juan bautista, Hesus at si Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan).
ang huling mensahe ng allah sa sangkatauhan, isang patotoo at kaganapan ng lahat ng mga naunang mensahe, ay ipinahayag sa kanyang huling propeta na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa pamamagitan ni anghel gabriel.
Comments
Post a Comment