Posts

Showing posts from 2021

ANO ANG PANANAW NG MGA MUSLIM KAY HESUS ?

Image
          ang mga muslim ay iginagalang at nagbibigay pitagan kay hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan). hinihintay din nila ang kanyang pagbabalik. siya ay ibinibilang na isa sa mga bantog na sugo ng allah. hindi sapat sa isang muslim na tawagin lamang siya sa kanyang pangalang hesus, bagkus dinaragdagan ito ng mga katagang 'sumakanya nawa ang kapayapaan' (bilang pagmamahal at paggalang sa kanya). ang banal na qur' an ay nagpapatotoo sa pagsilang sa kanya ng isang  birhen (isang kabanata sa banal na qur' an ay may pamagat na 'maria' ). si maria ay itinuturing na pinakadalisay na babae sa lahat ng mga kababaihan. ang banal na qur'an ay nagsasabi tungkol sa pagbibigay ng magandang balita:         at [banggitin mo muhammad] nang sabihin ng mga anghel: "o maria. katotohanan, ikaw ay pinili ni allah, ikaw ay ginawang dalisay at ikaw ay pinili ng higit sa mga kababaihan sa lahat ng mga nilikha.     o maria, ikaw ay maging ...

ANG PANAHON NG MGA KASTILA

Image
      sa loob ng mahigit-kumulang dalawandaang taon hanggang sa pagpasok ng ikalabinlimang siglo(15th century), ang batas ng islam ang siyang pinatupad sa kapuluan ng pilipinas. marso 16, 1521 nang dumating ang mga dayuhang mananakop na kastila sa ating bansa sa pamumuno ni magellan. pinangalanan nila ang ating bansa na pilipinas bilang isang parangal sa hari ng espanya na si haring philip II. sa pananakop na ito, ang pilipinas ay naging bahagi ng emperyong espanya. bilang isang tanda ng kanilang pagsakop sa bansang pilipinas, na may layong ipalaganap ang kristyanismo, kanilang inilagay ang kauna-unahang krus sa isla ng limasawa, leyte. kaya naman malinaw na makikita sa kasaysayan ng pilipinas na ang isang dati nang malayang bansa ay pinilit ng mga kastila na palitan ang relihiyong islam sa pamamagitan ng dulo ng espada.          nguni't hindi ganoon kadali upang lubos nilang masakop ang pilipinas. ang ating mga ninunong muslim ay buong tapan...

ANG EBOLUSYON NG ISLAM SA PILIPINAS

Image
  ANG EBOLUSYON NG ISLAM SA PILIPINAS   kung paano dumating ang islam sa pilipinas ay isang masalimuot at mahabang usapin subalit isang katotohanang hindi maitatanggi na islam ang unang nakilalang relihiyon ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga kastila. sa dahilang mga muslim ay inatasan ng diyos at ni propeta muhammad na ipalaganap ang kanilang pananampalataya, magkagayon ay nagkaroon ng patuloy na malawakang panghihikayat at panawagan sa tao tungo sa islam. nagsimula sa makkah, na matatagpuan ngayon sa saudi arabia, patungo sa mga karatig na bansang arabo, hanggang sa silangang europa, hilagang africa, espanya at gitnang asya. ang paglaganap nito ay tuloy-tuloy hanggang sa maabot nito ang bahaging sahara ng africa, timog asya at pagkatapos ay ang mindanao at sulu.          ang ating bansa ay matatagpuan sa timog-silangang asya na kung saan ang kalapit-bansa nito ay mga bansang muslim. ayon sa mga mananalaysay; ang lahi ng mga pilipino ay nag-m...

EMPLOYMENT CONTRACT FOR OVERSEAS FILIPINO WORKERS IN SAUDI ARABIA

Image
  STANDARD EMPLOYMENT CONTRACT FOR FILIPINO HOUSEHOLD SERVICE WORKERS(HSWs) BOUND FOR THE KINGDOM OF SAUDI ARABIA. Voluntarily binding themselves to the following terms and conditions: 1.Site of Employment 2.Contract Duration: Two years (2) years effective from the date of departure of the worker from the philippines. the monthly salary shall start upon actual to work. 3.The Household Service and the worker and the employer agree on a monthly salary of______________which is in accordance with the laws and regulations prevailing in both countries. 4.the employer shall open a bank account for the HSW in KSA, subject to SAMA rules and regulations and shall deposit regularly every end of the month the salary of the HSW to the account. the passbook or deposit slip or their equivalent shall be given to the HSW and remain in his/her custody. the employer shall help the HSW to remit his/her salary through proper banking channels. 5.The household Service Worker shall be provided with contin...